Liza reynang-reyna, bagong hair style trending sa socmed


LIZA Soberano had celebrities looking admiringly on her dahil sa kanyang bagong hairdo.

Nang umapir kasi ang bida ng Bagani noong Sunday para sa 49th Box-Office Entertainment Awards kung saan nakatanggap siya ng Box-Office Queen award ay marami ang nagandahan sa one-length hairdo ng dalaga.

Sa social media ay lumikha rin ng ingay ang bagong haircut ni Liza.

“More so beautiful Liza, the real queen,” said one fan.

“Wow! I see Meghan Markle! You’re stunningly beautiful,” said another Liza fan.

Samantala, sa Bagani, sumama si Lakas (Enrique Gil) sa mga sirena na magdadala sa kanya sa lugar kung nasaan si Ganda (Liza). Nguni’t napalaban si Lakas kaya napilitan siyang kumanta para maalis siya sa pagkakatali sa kanya. Then, na-meet niya si Gandara, ang reyna ng magaganda who told him na kailangan niya itong talunin sa isang tunggalian.

Read more...