Promise ng AlDub fans: Susuportahan si Maine kahit hindi si Alden ang katambal

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

KUMALAT na sa social media ang behind the scenes ng taping ni Maine Mendoza para sa GMA Sunday program na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Pasilip ang unang tweet ni Meng tungkol dito kung saan may picture siyang nakasakay sa isang traysikel na may caption na, “Hey Laura, hey Laura Butangera! #TheEgg #TheEggKayoNgLolaKo.”

Feeling ng kanyang fans, madaldal na traysikel driver ang role ni Meng sa Daig Kayo Ng Lola Ko, huh!
Kahit hindi si Alden Richards ang kapareha, susuportahan daw ng ilang AlDub fans ang episode ni Maine sa nasabing weekly fantasy series.

Magandang pangitain ito para sa respective career ng AlDub, unti-unti nang natatanggap ng ilang fans nina Meng at Alden na para mag-grow ang bawat isa sa kanila ay kailangang ma-experience rin nila ang pakikipagtrabaho sa ibang artista.

Read more...