Tom ayaw magpa-double sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘The Cure’

TOM RODRIGUEZ AT JENNYLYN MERCADO

GABI-GABI ay mas lalong nagiging kaabang-abang ang primetime series na The Cure ng GMA dahil sa mas maaaksyon nitong mga eksena.

Sa interview namin kay Tom na gumaganap bilang Greg, wala raw siyang mga double kahit mahirap ang ilang scenes dahil enjoy naman siya sa ginagawa niya. Maingat naman siya at nagpapahinga kung kailangan bago mag-take para maayos na ma-execute ang stunts.

Samantala, dahil sa Monkey Virus Disease Outbreak ay parami na nang parami ang mga infected at nanganganib na ang Tent City.

Paano maililigtas nina Greg, Charity (Jennylyn Mercado) at Hope (Leanne Bautista) ang kanilang mga sarili?

Patuloy na tutukan gabi-gabi ang pagkalat ng The Cure virus pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Read more...