Anne game pa rin sa halikan at love scene kahit may asawa na


WALA pa ring restrictions si Anne Curtis sa pagtanggap ng proyekto kahit na meron na siyang asawa.

Kaya kahit medyo “dark” ang karakter niya sa pelikulang “Sid & Aya” ay tinanggap pa rin niya ito.

Sa katunayan, pumayag siyang magkaroon ng maiinit na eksena sa pelikula kasama ang leading man niyang si Dingdong Dantes.

“Well, sa akin, Erwan (Heussaff) is always so supportive of any role that falls into my lap. Any script, lagi siyang excited to hear about what the story.

“The first time he saw the trailer nga, he’s like, ‘wow, it’s actually different from all the films I’ve seen before!’ So, excited nga siyang mapanood,” kuwento ni Anne sa presscon ng pelikula nila ni Dingdong.

Sabi naman ni Dingdong, kahit ang misis niyang si Marian Rivera ay excited nang mapanood ang “Sid & Aya (Not A Love Story).”

“Nu’ng nakita niya ‘yung teaser pa lang, talagang naintriga na talaga siya and she thought that it was something different. Pero sa akin kasi, ‘yung pagkakaintindi niya sa akin sa trabaho ko, alam niya kung gaano ko kamahal ‘yung pelikula.

“So, talagang nandu’n siya to support kung anuman ‘yung gusto kong gawin especially in this line of work,” sabi pa ng aktor.

Showing na ang “Sid & Aya (Not A Love Story)” sa May 30 sa direksyon ni Irene Villamor.

Read more...