MRT-3 balik aberya

MATAPOS ang 28 araw na walang aberya, umabot sa 1,000 pasahero ang pinababa ngayong umaga matapos magdiskaril ang tren ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nasira ang pintuan ng south bound train sa Araneta Center-Cubao station alas-9:13 ng umaga.

“The whole train was unloaded, with approximately 1,000 passengers. Passengers were loaded in the next train which arrived 6 minutes later,” sabi ng pamunuan ng MRT-3/

Idinagdag ng DOTr na isa sa mga sanhi ng pagkasira ng pintuan ang pagsandal dito ng mga pasahero at pagpilit na ito ay mabuksan. Luma na rin ang mga tren kaya nagkaka-aberya ito.

Muling nagpaalala naman ang MRT sa mga pasahero na huwag piliting isara at buksan at sandalan ang pintuan.

Read more...