Agot Isidro tatakbong senador sa 2019?

AGOT ISIDRO

ABA, tina-target daw ng Liberal party si Agot Isidro na maging isa panlaban nila bilang senador sa 2019 elections. Ibinalita ito ni Sen. Kiko Pangilinan, presidente ng LP.

Ayon sa pahayag ni Sen. Pangilinan, hesitant daw nu’ng una si Agot pero nang sabihin niyang kailangan nila ng babae sa line up upang mag-step up, pag-iisipan muna raw ng singer-actress.

Sa mga critics ni PDigong, isa sa pinakamatapang si Agot na minsang tinawag ang pangulo na “psychopath” dahil sa pagbanat ng pangulo sa US at European Unions.

Kapag natuloy si Agot, magiging star-studded ang 2019 mid-term elections! Bukod kasi sa aktres, nagpahayag na rin ng interes sa pagtakbo sa Senado si Freddie Aguilar.

Idagadg pa ang paglutang ng mga pangalan ng newscasters na sina Erwin Tulfo at Jiggy Manicad.

Nabalita rin na nililigawan daw ni PDuterte sang TV host-comedian na si Willie Revillame para tumakbong senador next year.

Bukod pa riyan, may mga balita rin na patuloy na pinipilit si Dingdong Dantes na tumakbo ring senador sa 2019 elections. But until now ay wala pang sinasabi si Dong about it.

Read more...