‘Kita Kita’ tuloy-tuloy ang swerte; humakot ng award sa Guillermo


SA walong pelikulang pinrodyus ng Spring Films nina Piolo Pascual, Joyce Bernal at Erickson Raymundo ay ang “Kita Kita” ang talagang humataw nang husto hindi lang sa takilya kundi pati na rin sa awards.

Sa unang pakakataon, napansin ang Spring Films bilang Most Popular Producer sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation 49th Box-Office Entertainment Awards.

Sa litratong ipinost ni Erickson sa kanyang Instagram account kasama sina Piolo at Joyce ito ang inilagay niyang caption: “Spring Films is receiving its 4th award this year and it’s the first time for us to receive an award as a team. #SpringFilms #KitaKita#MostPopularProducers.”

Akalain mo, noong Hulyo, 2017 pa naipalabas ang “Kita Kita” pero pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon at sa tuwing may mediacon ng pelikulang ipalalabas ay laging nababanggit ang obra ni Direk Sigrid Andrea Bernardo na dahilan din kaya umingay nang husto ang pangalan niya.

Kontrobersyal ang pelikulang “Kita Kita” dahil sa tema at kuwento nito. At alam n’yo bang inilako rin pala ito sa ilang major movie outfit pero tinanggihan daw dahil nga indie movie bukod pa sa wala pang napatuatunayan sa box-office ang mga bidang sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez kaya sinolo ng Spring Films ang pagpo-produce at ang Viva Films naman ang nag-distribute.

E, kumita ng mahigit sa P400 million ang pelikula, ang unang indie movie na kumita ng ganito kalaki kaya talagang umingay nang husto ang pelikula nina Alessandra at Empoy at siyempre ang Spring Films producers.

Bukod sa Most Popular Producers of the Year award ay nakakuha rin ng tropeo ang “Kita Kita” director na si Sigrid Andrea Bernardo bilang Most Popular Screenwriter.

Nakamit naman nina Alessandra at Empoy ang Breakthrough Movie Love Team habang si Empoy din ang nag-uwi ng Breakthrough Movie Actor of the Year award.

Pagdating naman sa musika ay nakatanggap si KZ Tandingan ng Female Recording Artist of the Year (Soul Supremacy).

Si Inigo Pascual naman ang nanalong Promising Male Recording Artist of the Year (Dahil Sa ‘Yo) at Promising Female Recording Artist of the Year naman si Moira dela Torre.

Bukod tanging si direk Sigrid lang ang hindi talent ng Cornerstone Artist Management na tumanggap ng award sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation 49th Box-Office Entertainment Awards.

As of this writing ay marami pang nakalinyang movie project ang Spring Films ngayong taon, kasama na riyan ang war movie na “Marawi” na ang actual shooting ay gagawin mismo sa pinangyarihan ng giyera at ididirek ni Sheron Dayoc.

Bukod sa pelikula ay abala rin si Erickson sa kaliwa’t kanang pagpo-produce ng concerts ng Cornerstone artists niya ngayong taon na inumpisahan nina Moira at K Brosas na ginanap sa KIA Theater nitong Pebrero at Abril.

Sinundan naman ito ng “RP10” ni Richard Poon nitong Sabado na ginanap sa Resorts World Manila. Susunod naman na magkakaroon ng concert ay sina KZ at Erik Santos.

q q q

Mahina pa tumingin si Janella Salvador ng tunay na singer dahil base sa guesting niya sa I Can See You Voice ay nabigo siya sa kanyang napili.

Hindi niya nakita kung sino ang talagang kumakanta dahil ang napili niya sa huli ay sing-tunado pero nalaman niya na certified fan pala niya si Ayang Tenorias na tuwang-tuwa dahil naka-duet siya sa ICSYV.

Sa umpisa palang ng programa ay parehong singers na ang tinanggal ni Janella kaya hinayang na hinayang kami, puwedeng-pwede sila talagang isali sa Tawag ng Tanghalan.

Samantala, mapapanood na rin sa mga sinehan nationwide ang pelikulang “So Connected” nina Janella at Jameson Blake bukas, Mayo 23 mula sa Regal Films na idinirek ni Jason Paul Laxamana.

Read more...