“Now we are also warning the public, including judges and justices. Meron pong umiikot- ito naman po ay asawa ng isang ex-wife ng anak ng ating Presidente- ginagamit po ang pangalan ng apo ng Presidente para sa pagpi-fix ng mga kaso,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nakatira ang apo ni Duterte na si Isabelle sa kanyang nanay.
“Sa mga mahistrado po, mga judges and justices, wag nyo pong entertain-in itong fixer na ito. Hindi po talaga kamag-anak iyan ni Presidente, e kinalulungkot po, merong kinalaman sa apo, wala po tayong mgagawa diyan, pero wala pong otordad iyan na gamitin ang pangalan ng Presidente at ng apo ng Presidente,” ayon pa kay Duterte.
Hindi naman direktang pinangalanan ni Roque ang kanyang tinutukoy.
“Alam na po kung sino siya, iisa lang naman yung current husband ng isang ex-wife ng anak ng presidente, so nagkaintindihan na po tayo, sigurado nakarating na rin ang mensahe sa kanya. Alam ng president ang gawain ninyo, hindi po iyan kinukonsintr at wag na po subukan ang pasenya ng ating presidente,” ayon pa kay Roque.
Kinumpirma naman ni Roque na si Lovelie Somera tinutukoy niyang dating misis ni Pulong.
“Iyun lang po ang sinabi sa akin. No names, but supposedly, the husband of a former daughter in law of the President, the current partner of a former daughter in law of the President,” sabi ni Roque.