Paano ide-delay ang menopause?

NAKAKABAHALA ang listahan ng mga sintomas ng nagme-menopause, kagaya ng mainit na pakiramdam, panginginig, pagpapawis sa gabi, hirap makatulog, osteoporosis, pagiging iritable, depresyon, paiba-iba ng mood, pagtaas ng timbang, pagbagal ng metabolismo, at maging sexual dysfunction.

Andiyan din na tumataas ang kaso ng cardiovascular disease, atake sa puso, at stroke ilang taon makalipas ang pagme-menopause.

Bukod pa rito, tumataas din ang bad cholesterol matapos mag-menopause.

Kaya ang nangyayari, matapos ang menopause, halos 50 porsiyento ng mga kaso ng pagkamatay ng mga babae ay dahil sa cardiovascular disease.

Nararanasan din ang epekto ng menopause kahit pa sa mga babaeng sumailalim sa maaga o surgical menopause, kagaya ng pagtanggal sa mga ovaries at reproductive organs dahil sa pagkakaroon ng tumor o iba pang problemang medikal.

Dahil dito, naghahanap ng paraan ang mga scientist at doktor para mapigilan ang maagang pagme-menopause.

Oily fish

Sa inilimbag na pag-aaral kamakailan, lumalabas na nakatutulong ang pagkain ng oily fish at fresh legumes para hindi agad makaranas ng natural na menopause na maaaring i-delay ng tatlong taon.

Lumalabas sa isang pag-aaral, ang mas maraming intake ng vitamin B6 at zinc ay ikinokonekta sa pagpapa-delay ng menopause.

Ang pagkain naman ng refined pasta at white rice, ay iniuugnay naman sa maagang pagme-menopause. Mas maaga ito ng isa at kalahating taon sa mga babaeng limitado ang pgakain ng white rice.

Mas maaga namang magkaroon ng natural na menopause ang mga purong vegetarian o vegan na mga babae kumpara sa nonvegetarian.

Ang mas mataas na intake ng oily fish ay nakakapagpa-delay ng natural na menopause na aabot ng 3.3 taon. Kung mas mataas ang consumption, mas matagal ang delay ng menopause.

Fresh legumes

Samantala, umaabot naman ng halos isang taon ang pag-delay ng menopause dahil sa pagkain ng fresh legumes kagaya ng peas, beans at lentils.

Nade-delay din ang menopause ng anim na buwan dahil sa matas na intake ng ng vitamin B6, samantalang tatlog buwan naman kung may zinc supplements.

Maagang menopause

May mga babaeng nakararasan ng napakaagang menopause, bago pa man sumapit ang edad na 40, dahil sa premature ovarian failure (POF). Kailangang simulan na ng mga babae na may kasaysayan ang pamilya ng POF ng pagkain ng oily deep-sea fish at legumes.

Read more...