Ate Vi siguradong bongga ang TF kaya napasayaw sa FB ad

LESS than three minutes ang running time ng ad na natisod namin sa Facebook para sa isang supermarket na ineendorso ng mag-inang Congresswoman Vilma Santos-Recto at Luis Manazo.

Itinaon pa kasing Mother’s Day (last May 13) ang patalastas na ‘yon.

Sa simula ng ad ay lulan ng kotse ang mag-ina, si Luis ang nagmamaneho habang katabi ang inang naka-blindfold. The clueless Ate Vi’s up for a big surprise.

‘Yun pala, ang supermarket ang destinasyon nila. Nanariwa sa aming alaala ang VIP at Vilma! days ni Ate Vi dahil reunited siya sa kanyang choreographer na si Maribeth Bichara.

Siyempre, not to be missed ay ang pagsabak muli ni Ate Vi sa pagsasayaw whose terpsichorean skills haven’t wavered. Even Luis is impressive with his moves and grooves.

In fairness, at 60 plus na edad ni Ate Vi’y halata mo pa ring taglay niya ang grace sa pagsasayaw. Naiimadyin din namin kung gaano nakakalula ang TF niya roon para mapagsayaw mo ang isang Vilma Santos.

Of course, the two-minute something ay babawasan pa ng running time kapag umere na ito, reduced to 30 seconds. Gayunpaman, klaro ang mensaheng nais itawid sa pagtatampok kina Ate Vi at Luis.

Mahalaga ang bonding ng pamilya sa kahit anong activity. Teka, does Ate Vi find time to do her grocery given her toxic sked in Congress na wala nang paglagyan?

Read more...