Anne: Kinalimutan ko na lahat ng gaguhang nangyari sa buhay ko!

“GAGUHAN!” Yan ang pinakasentrong tema ng bagong pelikula ng Viva Films at N2 Productions na “Sid & Aya (Not A Love Story)”

Ito ang terminong ginamit ng direktor na si Irene Villamor para ilarawan ang mga kararter nina Dingdong Dantes at Anne Curtis sa pelikula bilang sina Sid at Aya. Ibig sabihin, isang matinding lokohan ang kuwento ng movie.

Sa nakaraang presscon ng “Sid & Aya”, natanong sina Dingdong at Anne kung na-experience na rin ba nila sa totoong buhay ang manloko o maloko bago pa sila magkaroon ng mga asawa.

Sagot ni Anne, “Kinalimutan ko na ang lahat ng mga gaguhan na nangyari. Nasa happy place na ako.”

Sey pa ng TV host-actress at misis ni Erwan Heussaff, ang maloko ng partner mo ay isa sa mga risks of falling in love, “Honestly, I think part naman yun ng journey ng falling in love. Darating ang point talaga na kailangan mong masaktan at babangon ka rin ulit.”

Para naman kay Dingdong, “Siyempre, para ma-appreciate mo naman kung ano yung masarap, masaya, kinakailangang ma-experience mo rin yung hindi okay, di ba?

“Hindi lang naman sa relationship kundi sa lahat ng bagay, para mas matamis yung pag-appreciate mo sa kung anong meron ka ngayon,” dugtong pa ng mister ni Marian Rivera.

Pero sumusumpa ang Kapuso Primetime King na hindi pa niya naranasan ang maloko, “Siguro yun ang naging challenging para sa akin dahil maraming aspeto sa pelikula na hindi ko pa nararanasan. At isa ito sa pinakamahirap na ginampanan ko.”

Kaya sana raw mapanood ng mas maraming tao ang “Sid & Aya” na showing na sa May 30. Hirit pa ni Dingdong, “Hindi lahat ng may ‘I love you’ ay love story. Mahalaga na ma-experience mo yung pinakamababa—yung panggagago, breakdown, masisira ang ulo at puso, para mas ma-appreciate mo yung mga bagay na mayroon ka ngayon o dapat sana mayroon ka.”

 

Read more...