Gabby sasampalin ni Sharon ng mga ebidensya para patunayang mabuti siyang ina


DEADMA lang si Gabby Concepcion at ang kanyang kampo sa matitinding pinakawalang deklarasyon kailan lang ni Sharon Cuneta. Si KC ang paksa, ang kanilang anak, kaya imposible namang ibang tao pa ang tinutukoy ng Megastar sa kanyang mga upak.

Napakarami kasing hawak na ebidensiya ni Sharon na ayon sa aming nakausap na malapit sa singer-actress ay naka-album pa at may nakasulat na date.

“Very organized si Shawie, iniipon talaga niya ang lahat, pati nga ang mga cards na natatanggap niya, nakaayos. Ganu’n siya kaorganisado, kaya ang mga nangyayari pa kaya sa mga taong mahal niya ang mapapabayaan niya?

“Mahirap siyang hamunin, mananampal siya ng mga ebidensiya! Kung bakit naman kasi may mga nangmemenos pa sa pagiging mabuti niyang ina, samantalang kitang-kita naman na siya lang talaga ang nag-alaga at nagpalaki sa anak nila ni Gabby!” paalala pa ng aming source.

Walang-walang kamay si Gabby sa pagpapalaki at pagpapaaral kay KC, sabi ng aming kausap, kaya malakas ang loob ni Sharon na magsalita.

Nagbibiro namang komento ng kaibigan naming propesor, “Huwag namang angkinin ni Mega ang lahat-lahat. Meron din namang donasyon si Gabby sa anak nila—sperm cell.”

Read more...