Lanao del Sur niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

 NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang Lanao del Sur kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:21 ng umaga.
Ang sentro nito ay limang kilometro sa silangan ng bayan ng Wao. May lalim itong apat na kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity III sa Wao at Kalilangan sa Bukidnon.
Intensity II naman sa Baungon, Bukidnon at Cagayan de Oro City.

Read more...