Gov’t exec walang ginawa kundi mag-out-of-town

DA who ang isang pinuno isang ahensiya na nais nang ireklamo sa Commission on Audit (COA) ng mga empleyado dahil wala itong ginawa kundi sumakay ng eroplano para mag-out-of-town?

Alam nyo ba na bukod sa Kalihim ng isang departamento na mahilig magbiyahe sa ibang bansa, nasisilip na rin ang pinuno ng isang ahensiyang na nasa direktang pamamahala ni Mr. Secretary dahil sa sobra-sobrang pagbibiyahe nito sa iba’t ibang probinsiya.

Kahit may kautusan na si Digong laban sa mga opisyal na nagbibiyahe sa iba’t ibang bansa, tuloy ang ligaya para sa government executive dahil sa kanyang katwiran na ang mga biyahe lamang sa labas bansa ang binabawalan ni Pangulong Duterte.

Ayon pa source, nasisilip na ng unyon ng ahensiya ang mga travels ni Mr. Official dahil sa dami nito.

Gusto atang malibot ni Mr. Official ang buong bansa ng libre habang nakaupo kaya walang ginawa kundi mang out-of-town.

Gusto nyo na ng clue?

Boss ng opisyal si Mr. Secretary na kamakailan ay napabalitang sinigawan ni Duterte dahil sa pagkakasangkot ng isa pang ahensiyang nasa ilalim nito sa isang kontrobersiya.

Hindi ba’t nauna ng naglabas ang COA ng audit kaugnay ng sobra-sobrang biyahe ng isa namang officer-in-charge ng isang GOCC.

Ganito rin ang kaso ni Mr. Executive dahil mahilig din sa mga biyahe sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Bakit kaya puro mahihilig magbiyahe ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na tila wala pa ring takot sa kabila ng babala ni Digong?

Wala kasing pwedeng idahilan ang opisyal na kaya siya nagbibiyahe sa mga probinsiya para dalawin ang mga regional office ng kanyang hinahawakang ahensiya dahil may mga regional directors naman ang mga ito.

Halatang gusto lamang talagang makalibre sa biyahe ang opisyal kaya puro out-of-town ang ginagawa.
Gusto pa ninyo ng clue? Nasa Quezon City ang opisina ni government executive at kamakailan napalayas ang mga empleyado na nasa ilalim din ng kanyang pamamahala mula sa gusaling kanilang inookupahan.

Sakaling masilip ng COA ang sobra-sobrang biyahe ng government executive, tiyak na idadahilan din nito na kailangan ito sa kanyang trabaho.

Kawawa naman ang mga ahensiya ng gobyerno, ginawa na lamang oportunidad ng mga itinalagang opisyal para makabiyahe ng libre.

Huling clue na lang, sakaling matanggal ang boss na Secretary ng opisyal, tiyak na tanggal din ang government executive dahil sa naitalaga lamang ito dahil din sa koneksyon ng Kalihim.

Clue, pareho ang unang pangalan ng isang beauty queen sa acronym ng ahensiyang pinamumunuan ng opisyal.

Read more...