NAKAUSAP namin ang direktor ng “Women of the Weeping River” na si Sheron Dayoc sa launch ng Sinesaysay Docu Competition ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung saan isa siya sa mga napiling mentor para sa Bagong Sibol Category.
Nakwento niya sa amin na nagkita sila ni FDCP Chairperson Liza Dino sa isang filmfest sa Malaysia. Over lunch ay nag-open-up daw sa kanya si Chair Liza at nilay-down ang plano niya for documentary films.
“E, kasi I’ve been exposed to the documentary lab, film labs, so, basically, ibinahagi ko lang kung ano ‘yung naging experience ko,” lahad ni Direk Sheron.
Matagal nang gumagawa ng docu films si Direk Sheron pero nagsimula siya sa video works way back 2007. Pero nakilala siya sa mga pelikula niya na “Women of the Weeping River” at ang “The Crescent Crisis.”
Parehong tumatalakay sa mga kaganapan sa Mindanao ang dalawa niyang pelikula. Taga-Zamboanga kasi si Direk and no wonder siya ang kinuha nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal and Robin Padilla para sa Marawi movie na uumpisahan na ang shooting next month.
Magsu-shoot daw sila sa Marawi for one month. Tuluy-tuloy daw ‘yun kaya “ibabahay” na rin doon ang kanilang mga artista. Confidential pa raw kung sino ang mga napili nila na mga artistang bibida sa movie. But definitely, kasama si Robin as one of the supporting actors.
“Hindi siya bida kasi iba ‘yung kailangan ng story. Iba ‘yung kailangan ng kwento,” sabi pa niya.
Hindi rin daw kasama sa lead stars si Piolo pero baka mag-special guest appearance ang aktor.
Last time tinanong namin si Robin about the movie, nabanggit ang pamangkin niyang si Daniel Padilla na nais sana niyang mapasama sa proyekto. Sabi ni Direk, “Kung nag-audition si Daniel? Ah, tingnan namin. Kasi depende talaga sa final output ng script kung ano ‘yung requirement.”
Kilala naman naman daw at may napatunayan na ang mga nakuha nilang artista for the movie, merong taga-Kapamilya at meron din daw mga Kapuso.
q q q
Target ng dating male-group singer turned-Zumba instructor na si Ron Antonio ang makapagtala ng panibagong record sa Guinness World of Records ang Pilipinas sa larangan ng Zumba.
Tagged as the Zumba King in the Philippines at nag-record ng kauna-unahang OPM Zumba album na “Zayaw Pilipinas,” pangungunahan at susubukan ni Ron na makagawa ng record sa Zumba during the Kaugma Festival celebration sa Camsur (kahapon).
“That would be in Camsur for the Kaugma festival. I will be with the 100 of my co-Zumba instructors. Plus we’re going to beat our own record which we did three years back, eto ‘yung 12,000 in Mandaluyong. But this time we’re gonna go 20,000 zumba goers,” paanyaya ni Ron.
Inimbita rin daw nila ang mga taga-Guinness sa event to make sure that they will reach the 20,000 mark and break the record, “Hopefully, ma-break namin. Actually, other countries are trying to do the same, ‘yung to beat the Philippine record. Pero walang tatalo sa Pilipinas e, kasi die-hard Zumba country tayo, and we really love to dance,” proud na sabi pa niya.
May mga celebrities din daw siya na ka-join mag-Zumba during the event gaya nina Sunshine Cruz at Yassi Pressman.
Kadudu-duda naman sa iba kung bakit ‘di niya inimbita ang sinasabing Zumba Queen na si Regine Tolentino sa event. Hindi agad nakapagsalita si Ron when he was asked this question.
“I love you Regine. Ha-hahaha! Actually, ako kasi ‘yung in-invite ng Camsur government. Hindi naman kami magkalaban ni Regine. We’re all friends. We are all in one community. Eto ‘yung ZIN na tinatawag nila. So, it’s a whole organization all over the world which I am a part of,” esplika ni Ron.
Hindi raw niya na-imagine na babalik uli siya sa showbiz. Nu’ng nawala kasi ang Wiseguys, nag-aral na siyang sumayaw ng Zumba.
“But since I’m also a recording artist, ‘yung Sayaw Pilipinas is the first ever Zumba-inspired album in the world. At lahat po ng songs doon ay ginagamit ng mga Zumba instructor. Na-nominate rin sa Star Awards for Music as Best Dance album,” pagmamalaki pa ni Ron.
Bilang panghuli, adbokasiya ni Ron na lahat ng mga Pilipino ay sumamang sumayaw ng Zumba, “Karamihan po kasi mga kababaihan, mga mommies. Pero I want everyone like the dads, the husbands, the children to do Zumba for it to become a family activity,” aniya pa.