Kris kay Bistek: Nanood lang kami ng sine, I don’t think panliligaw na ‘yun!


AGAD nilinaw ng Social Media Queen na si Kris Aquino ang nabalitang nililigawan uli siya ni Mayor Herbert Bautista matapos silang mag-movie date kamakailan.

Magkasamang nanood sina Kris at Mayor Bistek ng pelikulang “Kasal” last Thursday night sa isang sinehan sa Quezon City kasama ang staff ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Sa panayam kay Tetay during the promo shoot of her comeback movie sa Star Cinema na “I Love You, Hater” with Joshua Garcia and Julia Barretto, sinabi niyang walang balikan o ligawang nangyayari sa pagitan nila ng actor-politician.

“If there are 20 of you na nanonood ng sine, I don’t think so (panliligaw ‘yun), kasi sila (Joshua at Julia) pag nanood ng sine, silang dalawa lang, eh. Kami barangay ang kasama namin,” paliwanag ni Kris. Dagdag pa niya, “We’re friends and that’s cliche as it can be. But we really are friends.”

Nais niya lang daw talagang suportahan si Bea Alonzo sa “Kasal”, “Actually kasi I really wanted to support Bea, one. I was so really excited to watch ‘Kasal’ and I thought really that our teaser is nakadikit pero waley. It was such an excellent movie, bongga siya.”

Samantala, speaking of “I Love You Hater”, bilib na bilib si Kris sa working attitude at professionalism nina Joshua at Julia. Kahit daw pagod na pagod ang mga ito sa paglalagare sa shooting ng kanilang movie at sa ginagawa nilang teleserye, nakaka-deliver pa rin ang magdyowa.

“Parang siguro ako na ang president ng kanilang, di ba meron ano may mga fan club pero di ba may mga admin of those fan groups?

“I can volunteer to be that because it’s been such a pleasure to work with them and super duper talented sila to work pareho. The screen loves them and you will love them even more sa movie na ‘to,” sey pa ni Kris.

 

Read more...