Paul Salas lumayas na sa ABS-CBN, balik-GMA


BALIK-KAPUSO ang dating produkto ng Starstruck Kids na si Paul Salas. Pumirma na ng management contract sa GMA network ang teen actor na nakasabayan sina Miguel Tanfelix at Bea Binene.

Ayon sa pahayag ni Paul, nagkita na sila minsan ni Miguel sa isang concert at nagkachikahan. Gusto rin daw niyang makatrabaho ang bida ng seryeng Kambal, Karibal.

Bukod kay Miguel, gusto ring maka-work ni Paul sina Bea, Ruru Madrid at Kyline Alcantara.

Kuwento ni Paul Salas matapos ang ginanap na contract signing looking forward siyang makasama muli si Kyline, “Yes, oo. Naging close ko rin siya kasi lagi din kami magkasama sa mga ball-ball ganun. So, excited na rin sana magkatrabaho kami.”

Read more...