Alden kinarir ang pakikipaglaro kay Scarlet Snow


WaALANG dudang paborito ng mga bata si Alden Richards. Sa isa niyang post sa Instagram, halos buong araw silang nagsama ni Scarlet Snow Belo. Talagang kinarir ng Pambansang Bae ang pakikipaglaro sa bata, huh!

Eh, bukod sa good vibes na hatid ng bonding nila ng anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, dumalaw din kamakailan ang aktor sa Holy Trinity Home for Children. Ito ang napili niyang beneficiary mula nang magsimula siya sa showbiz.

Naging malapit na rin kasi kay Alden ang mga batang nandoon na hanga sa kanya dahil hindi pa rin siya nagbabago ng pakikitungo sa kanila.

Lagi siyang may sorpresa sa mga bata tuwng bumibisita siya kaya hindi nakapagtatakang marami bata ang umiidolo sa kanya, huh!

Read more...