Sylvia sa Disneyland magse-celebrate ng b-day


KAARAWAN ni Sylvia Sanchez ngayong araw, Mayo 19 at sa unang pagkakataon ay wala siya sa bansa para i-celebrate ito.

May commitment kasi si Ibyang sa Beautederm Hongkong ngayong araw kasama ang kapwa niya endorsers na si Matt Evans at anak na si Arjo Atayde para sa Bb San Juan at Ginoong Makisig Hongkong 2018.

Kaya sa Hongkong na magdiriwang ang aktres ng kanyang kaarawan kasama ang mga anak na sina Arjo, Xavi, asawang si Art Atayde at ilang kaibigan.

Aniya, “47 years old na ako, gusto ko namang maramdamang maging bata ulit. Ha-hahaha! Sasakay ako sa rides sa Disneyland at doon na rin kami magdi-dinner.”

Tinanong namin kung bakit hindi nila kasama sina Ria at Gela, “Si Ria may taping ng Wansapanataym, si Gela may rehearsal. Di ba, lalaban ulit ‘yung school nila sa hiphop competition sa ibang bansa kaya hayun panay ang rehearsals.”

Read more...