NA-MISS n’yo ba ang dating co-host ng Eat Bulaga na si Christine Jacob Sandejas? Natatandaan n’yo pa ba ang kanyang all-out singing performances sa noontime show ng GMA 7? Did you also miss her mini-concerts?
Then you are in for a treat ngayong Saturday morning sa Sarap Diva dahil muli siyang kakanta para sa nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Christine will also celebrate her birthday with Regine kasama pa ang kanyang anak na si Paulo na magaling daw mag-play ng guitar. Alamin kung namana ng bagets ang golden voice ng kanyang mommy.
Aside from the singing skills, find out more about Christine and her son as they spill the beans themselves when asked by Regine some grilling questions.
On a healthier note, mom and son will share their family’s favorite green lunch meal na sinasabing isa sa mga “secret recipe” ni Christine kaya kahit lima na ang kanyang anak ay fit na fit at super healthy pa rin siya.
At bilang bonus, may sorpresa ang limang anak ng TV host para sa kanyang birthday celebration. Kaya huwag na huwag aabsent ngayong Sabado ng umaga sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA 7 lang.