Gusto mo ba ng P125M?

INAASAHANG aabot sa P125 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola bukas ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office mula noong Pebrero 21 ay wala pang tumatama ng jackpot prize ng Grand Lotto.
Ngayong taon ay dalawang beses pa lamang mayroong tumama ng jackpot prize sa 6/55.
Una itong tinamaan noong Enero 3. Nagkakahalaga ng P29.7 milyon ang tinamaan ng isang mananaya.
Sumunod naman noong Pebrero 19. Isa ang nanalo ng P64.2 milyon.
Walang nanalo sa P120.9 milyong jackpot prize ng Grand Lotto sa bola noong Miyerkules ng gabi.
Apat ang nanalo ng tig-P200,000 matapos makuha ang limang numero. Tig-P2,090 naman ang 474 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20taya ng 11,196 mananaya na nakakuha ng apat na numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...