PhilHealth beneficiary tanggal sa coverage ‘pag may trabaho na

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line at sa bumubuo ng inyong pahayagan . Magandang araw din po sa Philhealth dahil ang aking katanungan ay tungkol po sa Philhealth. Ako po ay may sampung taon na nagtatrabaho dito sa San Jose de Monte Bulacan . Tatlo po ang aking anak. Sa ngayon ay naka graduate at nagtatrabaho na po ang aking 2 anak. Yung isa ay teacher habang ang isa naman ay micro biologist.

Gusto lang po sana na itanong sa Philheallth kung covered pa rin ba ng Philhealth beneficiaries
ko ang aking mga anak na may mga sarili ng trabaho or kelangan ko po silang tanggalin dahil employed na sila . Gusto ko rin po na i-update ang aking contributions. Eto po ang aking Philhealth no. 19-089226124-9 P Pilita dayang. Salamat po sana ay agad ba masagot ng philhealth ang aking katanungan. umaasa po ako na agad akong mabibiigyang impormasyon ng philhealth Salamat po.

REPLY: Mahal na Gng. Dayang, pagbati mula sa PhilHealth!

Amin pong ipinababatid na ang mga sumusunod ay maaaring ma-enjoy ang PhilHealth coverage ng walang additional premiums bilang qualified dependents:

Legal na asawa (hindi miyembro ng PhilHealth o ang membership ay hindi na-active)

Anak o mga anak – legitimate, legitimated, acknowledged at illegitimate (na nakasaad sa birth certificate) adopted o stepchild o stepchildren 21 taong gulang paba, hindi pa kasal at walang hanap-buhay

Anak o mga anak – higit sa 21 taong gulang o pababa ngunit may congenital disability, maging physical man o mental, o anumang disability na nangangailangan ng suporta at lubos na naka-depende sa miyembro; at ito ay na-determina ng PhilHealth

Mga magulang (hindi miyembro ng PhilHealth o ang membership ay hindi naactive) 60 taong gulang pababa na may permanent disability na nangangailangan ng suporta at lubos na naka-depende sa miyembro

Amin pong ipinapaalala na kung ang inyo pong mga anak ay mayroon ng mga trabaho (employed) sila po ay automatic na dapat na magkaroon ng kanilang sariling PhilHealth membership at maghuhulog ng kanilang premium contributions kung saan ang kanilang buwanang kontribusyon ay pantay na paghahatian nila bilang empleyado at ng kanilang ng employer sa itinakdang halaga ng Philhealth na 2.75% ng kanilang basic na buwanang suweldo.

Ang pagkakaroon po ng kanilang sariling PhilHealth membership dahil sila ay employed na ay magtatakda na ding magtatanggal sa inyong PhilHealth membership record bilang inyong declared dependent.

Samantala, nais po naming kumpirmahin kung ang partikular na concern tungkol sa pag-update ng inyong contributions, kung kayo po ay isang PhilHealth employed member, ang nagiging contribution ay maipo-post kung ang employer ay hindi lamang naghuhulog ng contribution ngunit nagpapasa din ng remittance report o listahan ng mga empleyado kung para kanino ang nasabing hulog na kontribusyon. Kung sakali man na ang employer ay nakapaghulog ng kontribusyon ng kanyang mga empleyado ngunit hindi ito nai-report, maaari kayong direktang makipag-ugnayan sa inyong employer hinggil dito. Para sa inyong references, maaari kayong humingi sa kanila ng kopya ng certificate of contributions o ng employer’s remittance report (RF1) na nakasaad ang inyong contributions at ang applicable period para dito.

Ang tanggapan ng PhilHealth ay hindi tumatanggap para sa piling empleyado lamang na nais magpa-update ng posting ng kanilang contribution. Tatanggapin lamang ito kung mismong ang employer o kinatawan ng employer ang magre-request ng lahatan o BULK na transaksyon ng updating ng posting. Ito ay ipo-proseso lamang sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) na sumasakop sa hurisdiksyon ng rehistradong address ng kumpanya o employer.

Kung ang employer ay tumanggi na iproseso ito para sa kanyang empleyado, maaaring ang empleyado ay magpasa ng pormal na reklamo laban sa kanyang employer. Ito ay ipapasa sa PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) na sumasakop sa hurisdiksyon ng rehistradong address ng kumpanya o employer. Ang empleyado ay magpapasa ng kanyang napunang salaysay form, katibayan o proof ng kanyang naging premium contributions (payslips), at vaild IDs.

Para po sa inyong references, ang PhilHealth po ay naglunsad ng Member Inquiry online facility kung saan ang online application na ito ay nagbibigay ng access sa mga miyembro nito na ng kanilang membership accounts upang makita ang mahahalagang impormasyon kagaya ng kanilang PhilHealth profile, contributions summary, at makapag-print ng inyong Member Data Record (MDR).

Ang PhilHealth member ay maaaring mag-register sa nabanggit na online facility direkta sa aming website. Ang registration ay nagre-require ng kanyang PhilHealth Identification Number (PIN) at serye ng online process kasama ang pag-set up ng password at security questions. Para makapag-register sa aming Member Inquiry online facility, bisitahin ang aming website na www.philhealth.gov.ph

Read more...