KILIG na kilig ang singer-actor-host na si Nar Cabico nang may magsabing puwede rin siyang maging Vice Ganda kung mabibigyan ng chance sa GMA 7.
Sa nasabi ring mediacon para sa GMA Artist Center singers, tinanong si Nar kung gusto niyang sundan ang yapak ni Vice bilang multi-media star. Tugon ng magaling ding komedyante, “I hardly thought of that pero if the network sees that in me, I’d gladly take on everything.
“Sabi ko nga sa interview ko sa Tunay Na Buhay, any milestone na ma-achieve ko, bumabalik ako doon sa time na naggi-gig ako for 100 pesos a night. It’s a long story of struggle and just getting by on a daily basis. And to now na eto, kasama ko ay mga artista, nagkakaroon ako ng boses unti-unti. Kahit anong ibato sa akin, willing ako talaga to do it kasi wala namang mawawala,” pahayag pa ni Nar na agaw-eksena sa seryeng The One That Got Away.
Inamin niyang isa sa mga bucket list niya ang magkaroon ng sariling talk show, “My god, it’s a dream.
Nai-imagine kong gagawin ko siyang highly musical and highly collaborative and entertaining.
Nakakakilig ‘yung idea na posible, baka, tingnan natin,” chika pa ng Kapuso singer-comedian na siyang nasa likod ng hit hugot songs na “Gaga” (OST ng GMA primetime series na The One That Got Away) at “Natapos Na Tayo” (theme song ng Jennylyn Mercado-Derek Ramsay 2017 MMFF entry na ‘All Of You’).