BILIB kami sa panunungkulan ni Ms. Liza Dino bilang chair ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Simula nang siya ang mamuno rito ay kaliwa’t kanan na ang nababasa naming mga proyekto ng ahensya.
Magaling ang staff ni Ms. Dino dahil halos linggu-linggo ay may mga update sila sa kanilang mga project tulad nitong promo ng Filipino delegations sa Cannes International Film Festival at Cannes Film Market (Marche Du Film) sa France na nagsimula noong Mayo 8 at tatagal hanggang May 19.
Tampok sa film festival (short film competition) ang pelikulang “Judgement ni Raymund Ribay Gutierrez. Ang nasabing pelikula ay tungkol sa inang si Joy na inaabuso ng kanyang asawang si Dante.
Kasama naman sa mga nominado sa Best Short Film category ang pelikulang “Imago” ni Raymund sa Cannes.
Nagkaroon rin ng premiere ang restored version ng 1982 French-Filipino film na “Cinq et la Peau (Five and the Skin)” sa Cannes Directors’ Fortnight. Ang buong pelikula na kinunan sa Pilipinas ay tinatampukan nina Gloria Diaz, Bembol Roco at Philip Salvador. Nai-feature na rin ito sa Cannes’ Un Certain Regard, 36 taon na ang nakalilipas.
Kasama ang award-winning Filipino short film director na si Carlo Manatad bilang participant sa Cinefondation’s Atelier. Si Carlo at ang kanyang producer na si Armi Cacanindin ang tanging Filipino na kalahok sa nasabing programa.
Ang FDCP ang host sa Cannes Film Market sa Philippine Pavilion na magtatampok sa 18 Filipino production companies with contents and projects open for collaboration and international distribution.
“Philippine Cinema is at its one hundred years and we are really excited because we get to bring the celebration to Cannes. Cannes has played such an important part in the promotion of Philippine Cinema worldwide, taking notice of our legendary filmmakers from Lino Brocka and Ishmael Bernal in the 70’s to today’s Brillante Mendoza, Raymond Red, Adolf Alix and the many Filipino filmmakers making waves in the Festival.
“At the same time, Marche Du Film has been a great platform for our producers to be exposed to the world of global co-production and distribution. Because of that, we really want to maximize our annual participation especially this year to both the Festival and the Market,” sabi ni Ms. Dino.
q q q
Ikinuwento rin ng FDCP Chair na sa unang pagkakataon ay ang Pilipinas ang siyang magiging Spotlight Country sa Cannes Producers Network, isang industry event na nagpa-facilitate ng koneksyon sa mga producer na nag-eengganyo sa posibleng international co-productions.
Bilang Spotlight country, magkakaroon ng chance ang bansa na i-showcase ang pinakamagagaling na producers na sina Alemberg Ang (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, 2 Cool 2 Be 4gotten, Ang Larawan), Armi Rae Cacanindin (Kusina, I’m Drunk I Love You, Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month), Pedring Lopez (Binhi, Nilalang, Dark Room), Sheron Dayoc (Halaw, Children’s Show, Women of the Weeping River) at Bianca Balbuena (That Thing Called Tadhana, Hele Sa Hiwagang Hapis, Ang Panahon ng Halimaw).
Kasama rin sa Spotlight event ng Cannes Best Director 2009 na si Brillante Mendoza, Palm d’Or Short Film 2000 winner Raymond Red, and FDCP Chairperson Liza Dino bilang guests of honour.
Sa rami ng projects ni Liza Dino ay may mga kumukuwestiyon tungkol sa kanilang pondo tulad ng nangyari sa partner niyang si Ice Seguerra bilang dating head ng National Youth Council.
Hindi naman apektado si Liza rito dahil buong ningning niyang sinabi na handa niyang ipasilip ang libro ng ahensiyang kanyang pinamumunuan.
“It’s important for us to be vigilant and transparency is very important. Open kami kaya lang meron kasing iba na malicious na kahit naman diretso ang ginagawa mo, nakakahanap at naghahanap ng mali.
“We’re open to those who does not have malicious intent in looking into our books, pero halimbawa lang kung ang gusto mo ay pabagsakin at punahin ang FDCP, ibang usapan na iyon,” aniya pa.