NAGTAMPISAW muli sa kaligayahan ang lovers na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo and this time, sa Balesin Island sila nag-celebrate ng kanilang birthday ngayong Mayo.
Cheesy ang mensahe ni Dennis kay Jen sa Instagram foto nilang karga-karaga ng aktor sa kanyang likod si Jen.
“Papasanin ko kahit buong mundo para lang sayo, makita lang na lumigaya ka ng ganito. Maligayang kaarawan mahal ko,” caption ni Dennis.
Kapwa time out ang dalawa sa kani-kaniyang GMA series upan magpakaligaya sa dagat. Patapos na rin kasi ang The One That Got Away ni Dennis this week habang si Jen naman ay isa sa mga bida sa Kapuso primetime series na The Cure.
MOST READ
LATEST STORIES