Ellen Adarna kinasuhan ng child abuse, cybercrime

ELLEN ADARNA

KINASUHAN na ng nanay ng isang menor de edad ang sexy star na si Ellen Adarna matapos nitong ipahiya ang kanyang anak sa social media.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Gng. Myra Abo Santos, ina ng 17-year-old na si Eleila Santos, na nagsampa na sila ng child abuse at cybercrime case laban kay Ellen Adarna kahapon ng umaga sa Pasig City court.

Kung matatandaan, binigyan ng pamilya Santos si Ellen ng limang araw para mag-issue ng public apology matapos nitong tawaging “paparazzi” ang menor de edad at hiyain sa pamamagitan ng isang video na kanyang ipinost sa Instagram.

Ayon kay Ellen, gusto niya lang turuan ng leksyon ang bata dahil sa diumano’y panakaw na pagkuha nito ng photo o video habang kumakain siya sa isang restaurant.

“My family and I have begun seeking legal assistance. As advised by our lawyer, we are now writing this letter. As her family, we ask you to publicly apologise to Eleila. We prefer not to take this further, but as our only daughter, we are ready to take this wherever needed to protect her integrity,” bahagi ng Facebook post ni Gng. Santos.

Mula nang manawagan ang ina ng menor de edad ay hindi pa naglalabas ng kanyang official statement si Ellen, sa halip nag-post ito ng litrato sa IG habang nagpe-pedicure.

Read more...