Janice, Carmina, Gelli balik-GMA lahat; ’Sis’ reunion posible na


KUMPLETO na sa Kapuso Network ang barkadahang Sis nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villlaroel makalipas ang mahigit isang dekadang paghihiwalay.

Sa GMA nagsimula ang trio nina Janice, Gelli at Carmina sa morning program na Sis. Lahat sila ay lumipat ng network pero bumalik si Janice, sumunod si Mina at panghuli nga si Gelli.

Huling napanood si Janice sa romcom series ng GMA na My Korean Jagiya habang si Carmina ay napapanood pa rin ngayon sa top rating series na Kambal, Karibal.

Magiging bahagi naman si Gelli ng bagong Kapuso serye na Ika-5 Na Utos na ididirek ni Laurice Guillen.
Ikutan lang naman talaga nang ikutan ang mga artista, huh!

Ang hintayin na lang natin kung pagbibigyan ba ng GMA 7 ang request ng mga supporters nina Carmina, Janice at Gelli na magkaroon ng reunion project ang tatlo.

May mga humiling din sa mga Kapuso executives kung pwedeng ibalik ang Sis sa morning slot ng GMA dahil miss na miss na raw nila ang tatlo sa isang talk show.

Why not? Ngayong nasa GMA na uli ang tatlong aktres, mas madali na silang pagsama-samahin uli sa isang programa.

Read more...