Aubrey, Troy nag-sex sa eroplano; nagbe-breakfast ng hubo’t hubad

AUBREY MILES AT TROY MONTERO

NAGMISTULANG “for adults only” ang guesting ng mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles sa Gandang Gabi Vice last Sunday.

Halos tungkol sa sex kasi ang itinakbo ng panayam ni Vice Ganda sa dalawa. Game na game naman ang dalawa sa pagsagot sa mga hot questions ng TV host-comedian.

Pero sa lahat ng tanong ang talagang tumatak sa mga manonood ay ang tungkol sa “most unusual and wildest na loving-loving” nina Troy at Aubrey. Sey ng sexy actress, para sa kanya ang pinaka-wild ay ang bakasyon nila sa isang resort kung saan sila nagpakuha ng hubo’t hubad na pinagpipistahan na nga ngayon sa social media.

Pero sabi naman Troy, sa eroplano raw nangyari ang most unusual sex encounter nila na sinang-ayunan naman ng kanyang dyowa, “Pero nasa business class kami,” depensa ni Troy.

Sey ni Vice, sa pagkakaalam niya, hindi pwedeng tanggalin ang harang sa pagitan ng mga upuan sa business class. Pero kinontra ito ni Aubrey, “Pwedeng tanggalin yung harang, e. Basta itong airlines na ‘to pwedeng ganunin yung dalawa. Siniguro namin yun. Ha-hahaha!”

Ibinandera rin hot couple na huli silang “nag-loving-loving” last week at ginagawa raw nila ito dalawang beses sa isang araw. Tanong ni Vice kung gaano sila tumatagal, sey ni Aubrey, “Depende, mas mahaba sa umaga. Sa gabi pagod na kasi.”

Diretso rin nilang inamin na mas comfortable sila na nakahubad kapag magkasama, sa katunayan, nagbe-breakfast silang nakahubad.

Wala rin daw problema kay Troy ang pagpo-post ng nude photo ni Aubrey sa Instagram, “Of course. I don’t mind. She’s hot so okay lang.”

Possessive ba siyang partner? “To a point. Pero usually when she posts I’ll always make a comment somewhere in the bottom something like that’s mine ha.”

Read more...