Kabaklaan ni Gabby nag-ingay sa socmed


PASABOG ang ginawang revelation ng versatile Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa totoong pagkatao ng kanyang karakter na si Vito sa Afternoon Prime serye nilang Contessa.

Ikinagulat ng Kapuso viewers ang episode kamakailan kung saan napanood nila si Gabby na nakadamit babae at with matching make-up! Ito pala ang matagal nang itinatagong lihim ni Vito sa kanyang pamilya at mga katrabaho.

Na-reveal na rin ang relasyon niya sa kanyang kanang-kamay na si Winston (Phytos Ramirez) na talagang ikinaloka ng mga manonood! Lumikha rin ito ng ingay sa social media kung saan pinuri ang pagiging versatile ng aktor.

Kayang-kaya talaga ni Gabby na mag-shift ng kanyang character dahil mula sa pagiging all-out gay ay kering-keri rin niyang maging isang maangas na kontrabida!

Nu’ng huli naming makachikahan si Gabby, sinabi niya na marami pang dapat abangan ang viewers sa kanyang karakter, lalo na ngayong bumandera na ang tunay niyang pagkatao. May mga pasabog din daw sila sa serye ng kanyang “ka-loveteam” na si Phytos na bentang-bentang ngayon sa mga beki dahil sa pagiging lover ni Gabby.

Napapanood ang Contessa after Eat Bulaga sa GMA.

Read more...