Kandidato sa Quiapo namatay sa atake sa puso

NAMATAY ang isang tumatakbo bilang kagawad sa Quiapo, Maynila matapos atakihin sa puso bago ang pagbubukas ng halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK), ayon sa isang opisyal ng opisyal.

Sinabi ni Barangay 390 Chairman Hernane Francisco na nasawi si Felino Baligod Jr., 62, ganap na alas-6:22 ng umaga.

Idinagdag ni Francisco na isinugod si Baligod sa isang ospital bagamat idineklarang dead on arrival.

Read more...