MASASABI kong makasaysayan at makulay talaga ang aking he-nerasyon. Ito’y matapos magdesisyon ang Korte Suprema 8-6 na patalsikin si Chief Justice Maria Lourdes Sereno .
Saang bansa merong dalawang Supreme court Chief Justice (Corona, Sereno) ang tinanggal; dalawang presidente (GMA, Erap) ang nakulong, apat na senador (Enrile, Jinggoy,) ang i-kinulong din at dalawa pa ang nasa loob (de Lima, Bong)?
Bukod dito kinulong din ang isang dating PNP chief (Razon) at bukod diyan ay mara-ming kongresista (Jalosjos) at gobernador (Reyes brothers, Leviste) ang nasentensyahan din.
Alisin ang pulitika rito, hindi ba’t pinapakita nitong gumugulong ang ating hustisya? Siyempre, sasabihin niyo, weather-weather lang iyan. Pero, hindi ba’t ganyan ang demokrasya? Mainitan ang mga pagtatalo pero “rule of majority” ang mananaig.
Kapansin-pansin din ang pagdami bigla ng mga eksperto sa batas, kanya kanyang opinyon, may simple, merong nananakot. Pero, nabasa ba ninyo ang 153 pahinang desisyon?
Siguro maganda munang basahin para mas may basehan ang pagkontra o kaya’y pagkampi. Narito ang mga isyu.
Una, dapat bang aksyunan ng SC ang quo warranto petition kahit may nakapending na “impeachment case” sa Kongreso?
Ikalawa, dapat bang idismis agad ang quo warranto petition?
Ikatlo, “eligible” ba si Chief Justice Sereno sa posisyon? At ikaapat, si Sereno ba ay “de jure” o “de facto” Chief Justice?
Tinalakay din ang SALN ni Sereno at depensa nitong “Doblada doctrine”, ang impeachment at quo warranto sa ilalim ng saligang Batas at mga “kwestyonableng desisyon” ni Sereno.
At nagpasya nga ang Korte sa botong 9-5 na may poder silang umaksyon sa “quo warranto case” dahil magkaiba ito sa “impeachment case”. Kahit si Erap ay nagsampa rin ng “quo warranto” sa SC laban kay PGMA matapos siyang matanggal sa pwesto noong 2001.
Samantala, botong 8-6 naman ang desisyon ng “Majority” na sibakin sa pwesto si Sereno. At sinabing final at executory ito at inatasan ang JBC na maghanap kaagad ng kapalit, pero merong 10 days si Sereno para sa kanyang MR.
Doon naman sa isyu ng eligibility, siyam na justices ang nagsabi na nilabag ni Sereno ang Konstitusyon dahil hindi niya pagsumite ng SALN na mahalaga sa isyu ng “integridad” kabilang si Acting CJ Antonio Carpio. Hindi umano “valid ang kanyang appointment” at siya ay “de facto” sa kanyang posisyon, o sa madaling salita ay isang “usurping, intruding, unlawfully holding or exercising the office of Chief Justice”.
Bukod dito, inisa-isa ng mga Mahistrado ang 24 na desisyon ni Sereno sa pamamahala ng Korte Surpema na umano’y “untruthful and dishonest acts that proves lack of integrity”.
Sabi ni Sereno, “very unjust” ang desisyon ng Korte Suprema at panalo pa rin siya dahil hindi nag-inhibit ang “Biased 6” o anim na mahistradong dati nang kumakalaban sa kanya. Gayunman, maghaharap din sila ng “motion for reconsideration” bilang pagtugon sa desisyon ng Korte.
Kung susuriin, ma-labo nang makabalik sa Korte Suprema si Sereno. Inasahan nilang babaligtad ang isa lang na Mahistrado para maging 7-7 ang desisyon sa “motion for reconsi-deration” pero maliwanag na siyam na mahistrado rin ang nagsabi na hindi “valid” ang appointment ni Sereno sa simula pa lang, kabilang si ACJ Carpio.
Sabi nga sa Latin, “dura lex,sed lex”!