Eric Nicolas, Tuco, J Brothers pinaligaya ang mga taga-Nueva Ecija | Bandera

Eric Nicolas, Tuco, J Brothers pinaligaya ang mga taga-Nueva Ecija

Cristy Fermin |May 14,2018
facebook
share this

Eric Nicolas, Tuco, J Brothers pinaligaya ang mga taga-Nueva Ecija

Cristy Fermin - May 14, 2018 - 12:40 AM


ISANG maagang selebrasyon ng fiesta ang naramdaman ng aming mga kababaryo sa Visoria, Quezon, Nueva Ecija nu’ng nakaraang Sabado nang gabi.

Dahil sa Barangay elections ngayon ay damay na ang pagdiriwang ng kapistahan namin bukas, hindi na maaasikaso ng pamunuan ng aming barangay ang pagsasaya, kaya inagahan namin ang kasiyahan.

Dumating sina Eric Nicolas at Tuco na wala pa ring kakupas-kupas ang klase ng komedyang meron sila.

Puro hagalpakan ang maririnig sa paligid dahil tunay namang kakaiba ang sultada ng tambalang ito.

Pagkatapos ng halakhakan ay ang magaling na bandang J Brothers naman ang nagpasaya sa aming mga kanayon. Nakakatuwang marinig ang audience na nakikikanta sa magaling na grupo, alam na alam ng manonood ang mga pinasikat nilang kanta, ‘yun ang pinakamasarap na premyo para sa mga musikero.

Sabi nga nila, kahit hindi na sila bigyan ng talent fee, basta alam ng kanilang mga tagapanood ang kanilang mga piyesa ay ayos na.

Panalo sa mga fiesta ang J Brothers, talagang kabisado ng mga Pinoy ang kanilang mga kanta, wala pang problema sa grupo dahil hindi mo na sila kailangang asikasuhin pa dahil wala silang pag-iinarte.

Maraming-maraming salamat kina Eric Nicolas at Tuco at sa J Brothers sa pagpapasaya nila sa aming mga kanayon. Mabuhay kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending