Andi mas piniling mamuhay sa probinsya, ipinagkatiwala na ang anak kay Jake | Bandera

Andi mas piniling mamuhay sa probinsya, ipinagkatiwala na ang anak kay Jake

Reggee Bonoan |May 14,2018
facebook
share this

Andi mas piniling mamuhay sa probinsya, ipinagkatiwala na ang anak kay Jake

Reggee Bonoan - May 14, 2018 - 12:10 AM

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

WALA na ba sa poder ni Andi Eigenmann ang anak niyang si Ellie?

Naitanong namin ito dahil ang huling litratong magkasama ang mag-ina ay noon pang Mayo 3 at base sa litratong ipinost ng aktres ay bata pa ang itsura ng anak kung saan nasa swimming pool sila na kuha pa noong magbakasyon sila sa Bali, Indonesia.

Ang caption ng litrato ay, “Ellie has always been my sweet bundle of joy the moment I first saw her, embraced her, and sang her to sleep. Despite the pressure I faced in raising her, I feel at ease in taking care of her then and now.”

Nang silipin naman namin ang IG account ng daddy ni Ellie na si Jake Ejercito, may naka-post doon na isang larawan na magkasama ang mag-ama na nanood ng concer ni Bruno Mars.

May isa pang post si Jake five days ago na kasama ulit niya ang anak sa isang burger take out store at may caption na, “I’ll have a double cheeseburger with large fries, one 6 pc chicken nuggets, an apple pie and a whole lotta dat smile #myotherotherbenz.”

Anyway, Mother’s Day ngayong araw at ang tanong, makasama kaya ni Andi ang anak para i-celebrate ang espesyal na araw na ito?

True kaya ang nasagap naming balita na nasa pangangalaga na ni Jake ang anak dahil nag-aaral ito sa Manila samantalang si Andi naman ay nag-lie low na sa showbiz at kasalukuyang naninirahan sa probinsya?

Bukas ang espasyong ito para sa paliwanag nina Jake at Andi.

Samantala, nang huling makatsikahan ng entertainment press si Jacklyn Jose, ina ni Andi, sa nakaraang presscon ng Cine Filipino ng FDCP ay nabanggit nitong babalik pa rin sa showbiz ang anak kung may offer sa kanya. Sa ngayon mas gustong mamalagi sa probinsya ni Andi kung saan tumutulong itong maglinis ng dagat bilang bahagi ng kanyang pagiging environmentalist.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending