MAKASAYSAYAN ang araw na ito para sa bawat Pinoy, pipili na naman kasi tayo ng mga lider na magpapatakbo ng ating komunidad.
Makalawang beses na ring nanungkulan sa barangay (sa Pasay City) ang inyong lingkod. We were twice elected as Kagawad sa magkaibang panahon, at sa kasalukuya’y kabilang sa Lupon na siyang naatasang tagapamayapa sa mga kasong sangkot ang mga residenteng hindi nagkakasundo over matters na kadalasa’y wala namang kabagay-bagay.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng barangay, choosing the most deserving ones in charge of it is as equally important. Dahil dito’y kailangang kilatisin natin ang ating iluluklok bilang Punong-Barangay hanggang sa pitong Kagawad, isama na ng SK Chairman.
Kaliskisan natin sila tulad ng binibili nating isda sa palengke bago sila isalang. Totoong nagsisimula ng korupsiyon sa lebel na ito, batid namin kung paano ang isang maliit na unit ng pamahalaan ay nadudungisan din ng mga kamay na hindi muna paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan ang mas inaatupag.
Ergo, vote intelligently.
q q q
Ito rin lang ang aming paksa, minsa’y may nagparating sa amin ng tsika tungkol sa isang barangay chairman na kadugo ng isang aktres.
For starters, may naka-allocate na budget para sa mga proyektong isinasagawa ng anumang barangay. May tinatawag na supplemental funds, discretionary funds, etc..
Sa kaso ng kapitan na ito, maaari niyang kakuntsabahin ang mga katsokaran niya sa Konseho upang makapag-relase ng pondo, pero saan ka, ghost project ‘yon. Simply put, such a project does not exist but funds are relased.
Ewan kung anong mahika ang ginamit ng kamag-anak na ‘yon ng aktres at nai-release ang pondong idineklarang para sa isang barangay project. Ang ending, naging “diversionary” ito dahil literal na na-divert sa ibang project ni Kap ang pondo.
Buti raw sana kung ginamit ‘yon kung saan ang mga constituents pa rin nito ang siyang makikinabang.
Kaso, sa ibang lugar na ‘di na sakop ng kanyang barangay!
At ang da height, si Kap pala’y…alam na. Need we make kuwento pa more, “sisters” in faith?