Grabe ang karisma ni Joshua, si Julia malalim ang hugot!- Kris


NAG-IMBITA ng dinner si Kris Aquino sa kanyang bahay nitong Biyernes bilang advance selebrasyon ng Mother’s Day.

Na-miss siguro ni Kris na makatsikahan ang mga kaibigan niya sa entertainment media at ilang kakilalang online writers kaya marami kaming napagkuwentuhan habang naghahapunan.

Bago ang dinner ay nag-shoot muna ng Ever Bilena webisodes si Kris at masaya niyang ibinalita na mas tumaas pa ang sales ng nasabing make-up brand. Nag-shoot din ng “Dinner With Kris” para sa Mother’s Day special ng Toblerone. Siya mismo ang nagdisensyo ng bagong packaging nito.

May video post din ang KCA Team na binigyan si Kris nang dalawang anak na sina Joshua at Bimby ng mga lobong may nakasulat na “Happy Mother’s Day.”

Ang caption ni Kris dito: “Scenes from last night. My BP was 170/100 after work- had a long BUT fruitful day. I’ll make a better video later to show my appreciation for TEAM KCAP. I got up to re-check my BP.

Back to sleep now then Anticipated Mass. I have kuya & Bimb BUT I also have many adopted KCAP kids & our FAMILY keeps growing. It’s really a Happy (praying healthy soon) Mother’s Day weekend for me. GOD BLESS US ALL. #lovelovelove.”

Samantala, nagpakuwento kami tungkol sa naging experience ni Kris sa ilang araw nilang pagsu-shooting nina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa “I Love You, Hater” ng Star Cinema directed by Giselle Andres.

“I like the fact that I’m working with the young director kasi iba ‘yung vision. I’ve worked with those who were senior, who seen it all and done it all. It’s different to work with someone who’s doing it now to prove herself kasi iba ‘yung ibibigay talaga.

“It’s really a test of stamina, doon mo talaga mapi-feel na parang mamamatay na ‘yung paa mo. Doon ko na-realize na, ‘ay isang eksena, sumakay ako ng scenic elevator 30 times up and down, up and down at naka-heels ako. Sabi ko, hindi na ako maggaganda-gandahan sa kaartehan ko kasi nag-heels ako ng ganu’n kataas, hindi ko na gagawin ‘yun ulit.

“Nagulat ako kasi when I was that young, I did not take it seriously that Joshua and Julia did. Siguro our time, it was less of a craft it was treated as fun. You have to remember nanggaling kami sa era ng comedy. So nu’ng age nila (JoshLia), ‘Pido Dida’ ang ginagawa ko. Parang you’re having fun lang,” masayang pagbabalik-tanaw ni Kris.

Bilib ang TV host-actress-social media influencer sa JoshLia dahil sa pagiging professional ng mga ito, kahit daw galing sa taping ng bago nilang teleserye, hindi sila nag-iinarte at nagagawa pa rin nang maayos ang kanilang mga eksena.

Tuwing matatapos nga raw ang eksena nila ay pinapanood talaga ng mga ito sa monitor at kapag hindi kuntento ay humihingi pa ulit ng isa pang take.

Hindi ganito ang kinasanayan ni Kris, “Kasi lumaki ako na you don’t check the monitor because you trust your director. Pag sinabi ng direktor na ‘it’s good,’ it’s good na. So unless sabihan ako ng director na, ‘give me more, do this,’ then hindi na ako titingin, nakaupo na ako ro’n.

“Pero sila talagang titingnan nila at magtatanong at hihingi pa (another take). Feeling nila kulang pa. Doon ako na-impress kaya sabi ko, they are really treating it the way it should be treated, that it is a craft that it something long term.

“And ‘yung sinabi ko day one all the way until now na I say it talaga na si Joshua has that something special. Alam mo ‘yung kung lalaki ka o babae ka gugustuhin mo siya because ‘yung pagka-cute niya is non-threatening. Kasi di ba pag sobrang kaguwapuhan, sobrang tisoy parang kung lalaki ka, mae-alienate ka pero siya, magaling talaga.

“Tapos si Julia naman, I think everything that she has been through in the past four years siguro, molded her into what she is now kasi may depth and di ba, sabi nila kapag magaling kang artista kailangan nagsasalita ‘yung mata.

“Kay Joshua, nagtu-twinkle (ang eyes) because he has karisma, kay Julia, you see the pain. This is a light movie but then it hits certain truths.

“Ang take away ko from this so far is that ‘yung pagka-explain sa amin as we shoot naiintindihan ko, lahat tayo may mga truth na pinagtatakpan and sometimes for it to remain true, it has to remain hidden. O hayan, philosophical na ako ha, nagbago na ako,” sabi ni Kris.

Bukas ibabahagi namin ang iba pang kuwento ni Kris tungkol sa bago niyang pelikula.

Read more...