Umibig kang muli | Bandera

Umibig kang muli

Joseph Greenfield - June 28, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Lydia ng Barredo st., Bislig City
Dear Sir Greenfield,
Agad kaming nagkita ng lalaking textmate ko ay naging boyfriend ko na nang kami’y magkita. Maraming beses kaming nagkita at nag-date hanggang sa mabuntis ako. Ang akala ko’y binata siya at papakasalan ako, pero huli na nang matuklasan kong may asawa at pamilya pala siya.
Nag-text sa akin ang kanyang asawa at hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko.  Sinabi ng asawa niya na huwag ko na raw guluhin ang kanilang pamilya.  Pero, nang mabuntis ako ay di na nagpakita ang BF ko.   Malapit na akong manganak.  Itatanong ko lang po kung babalikan pa ba ako ng BF ko? Pananagutan kaya niya ang baby na dinadala ko o bibigyan man lang kaya kami ng sustento? Ano ang mangyayari sa buhay ko?
Umaasa,
Lydia ng Barredo st., Bislig City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.)  sa iyong palad. Isang magulo, na pangit at nabiyak  (arrow 1.) at isang maayos at magandang Marriage Line (arrow 2.).
Ibig sabihin kung minalas ka sa unang pag-ibig, tiyak na sa ikalawang pakikipag-relasyon susuwertehin at papalarin ka na.
Kaya ang masasabi ko lang sayo, umibig kang muli hanggang sa dumating ang tunay na magmamahal sa iyo.
Cartomancy:
Okey lang na mawala ang mga walang kwentang lalaki sa buhay ng babae, dahil ayon sa mga barahang Jack of Diamonds, Queen of Diamonds at Eight of Hearts (Illustration 1.), wag mo ng isiping babalik pa siya, dahil may bagong lalaking darating na mas higit pa sa kanya, mas may kaya sa buhay, tapat at panghabambuhay na.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending