Young JV sa video scandal: Lahat naman po tayo nagkakamali!


MALAKING challenge sa aktor, composer, and urban pop artist na si Young JV to be the newest brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products after niyang masangkot sa isang video scandal.

“Everybody is responsible for their own mistakes. Kaya malaki po ang pasasalamat ko because si Ms. Aileen (Choi-Go, Megasoft VP for Sales and Marketing) may trust pa rin sila sa akin at nakikita nila ang capability ko bilang isang artista and performer at kung ano ang magagawa ko para sa Megasoft ,” ani Young JV.

Inamin ni Young JV na hindi na niya nabura ang video niya sa social media.

“Hindi ko po ma-control, e. It’s all over the place, sa ngayon, oo, parang sabi ko, bahala na kayo diyan. Ako, move on na rin. Let the past, be past. Everyone makes mistakes at lahat po tayo pwedeng umahon sa ganyang sitwasyon.”

So far, wala pa naman daw nag-aalok sa kanya for a sexy role sa pelikula, “Pero mga movies na aabngan sa akin, hindi naman. Topless siguro pwede pero hindi naman siguro ‘yung mga what-the-hell scenes.”

Sa ngayon, excited na si Young JV sa magaganap na tour niya for Megasoft. Mag-uumpisa ang campaign niya para sa Megasoft on May 17 sa Gaisano Grand Antique. Ready na rin siya sa kung ano ang plano niyang sabihin sa mga batang makakaharap niya during his school tour.

“Stay cool and always have fun in school and more importantly, love your parents. Kasi po I was raised to love my parents and obey especially po ‘yung mga nanay natin.”

Ayon naman kay Ms. Aileen, walang nagaganap na competition among their ambassadors lalo na sa pagdating ni Young JV.

“Lahat naman sila pantay-pantay. Sila ‘yung tumutulong sa amin to push our products. Sobrang effective kaya talagang pinag-aaralan namin lahat ng mga endorsers namin.”

Tungkol sa video scandal ni Young JV, hindi nila ito binigyan ng weight nang kunin nila ang binata, “No, kasi siyemrpe lahat naman ng artista merong positive, merong negative. Ang nakita namin sa kanya mas malaki ‘yung positive.”

Read more...