Paolo hiyang-hiya nang ikumpara ni Eric Quizon kay Dolphy


UMANI  ng papuri ang magandang performance ni Solenn Heussaff sa Regal movie na “My 2 Mommies.”

Imagine, hindi pa siya tunay na ina and yet, nai-deliver niya talaga ang emosyon ng isang tunay na ina sa mga eksenang ipinaglalaban niya ang anak sa ama nitong ginampanan ni Paolo Ballesteros, huh!

Nabura tuloy ang impresyon ng karamihan kay Sos na hanggang paseksi at pakikay lang ang kaya niyang gawin bilang artista. Eh, kahit naman hirap pa rin sa pagsasalita ng Tagalog, may emosyon namang ipinapakita si Solenn sa bawat character na gampanan niya.

Kahit may asawa na at kaya nang bumuhay ng anak, wala pa rin sa plano ng Kapuso actress ang magbuntis. Sabi nga niya sa presscon ng “M2M,” kapag nabuntis daw siya, sa social media niya ito unang ibabalita.

Anyway, balita namin ay magbabalik si Sos sa GMA series na The One That Got Away bilang si George.

Naku, dapat kabahan si Lovi Poe dahil kayang-kaya siyang agawan ng eksena ni Sos, lalo na sa pagbibilad ng seksing katawan!

Speaking of Paolo Ballesteros, hiyang-hiya ang TV host-comedian nang marinig ang komento ng direktor nila sa “M2M” na si Eric Quizon comparing him to his father, Comedy King Dolphy.

“Humbling kumbaga, yung marinig mo ang ganu’ng comment, na maikumpara ka sa isang Dolphy, the Comedy King at galing pa sa anak niya. And nakakatuwa talaga, pero parang nahihiya ako,” sabi ni Pao.

Read more...