Hater binanatan ni Juday: Sorry naman, but I don’t wear make up kapag bagong gising!

RYAN AGONCILLO AT JUDY ANN SANTOS

BINASAG ng isang netizen (@marisse.santiago) ang Instagram foto ni Judy Ann Santos na nag-alok ng taho sa kanyang followers.

“Magandang umaga! Taho kayo dyan!” caption ni Juday sa nasabing litrato a day before her 40th birthday.

Komento ng netizen sa IG post ni Juday, “You know you are not a star when you have no make up. Go to the BATHROOM fx yourself.”

Buwelta naman ni Judy Ann, “@marisse.santiago hi! Sorry naman but I don’t wear make up when I’m not working more so pag asa bahay lang ako at bagong gising.”

Banat naman sa basher ng mga nagmamahal kay Juday, “Paepal!” “Mema lang!”, “Weird!” at kung anu-ano pa.

Hindi naman sapat ang pagbasag ng netizen sa trip ni Juday upang hindi maging fabulous ang selebrasyon niya ng kanyang 40th birthday. Isang “secret and surprise” party, na tinawag na “Fortylicious”, ang regalo ni Ryan Agoncillo sa kanyang misis.

Namataan sa party sina Sarah Geronimo, Angelica Panganiban, Ogie Alcasid, Iza Calzado at marami pang iba. Tinupad din ni Ryan at ng kanyang Mommy Carol ang isa sa birthday wish ni Juday – ang muling mapanood ang Aegis.

Read more...