P48.9M jackpot nasungkit

ISANG mananaya ang nanalo ng P48.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa winning number combination na 03-09-18-37-10-41.

Ang nanalo ay mayroong isang taon para makuha ang kanyang premyo.

Nanalo naman ng tig-P25,0000 ang 36 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-420 naman ang napanalunan ng 1,848 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 27,528 mananaya na nakatatlong numero.

Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Read more...