‘Darating din ang tamang panahon para kay Gil Cuerva!’


GIL Cuerva sure knows may kanya-kanyang panahon ang bawat artista, and in his case na ngayon pa lang gumagawa ng pangalan sa showbiz he can only pin his hopes that his time will come.

Matagal-tagal na rin kung tutuusin ang lull since he last appeared in GMA’s My Love From The Star kung saan siya in-introduce bilang katambal ni Jennylyn Mercado. Buwan na ang binilang ng pagkakatengga kay Gil na manaka-naka namang napapanood sa GMA.

Ngayong Sabado ng gabi—in lieu of a regular TV show—ay mapapanood si Gil sa Celebrity Bluff na hindi lang magpapa-cute (as he already is) kundi magpapakitang-gilas pa with his partner Julie Anne San Jose.

Makikipagtagisan ang dalawa sa pagsasanib-puwersa nina Jeric Gonzales-Kyline Alcantara at Andre Paras-Alyana Asistio.

Speaking of lull, in the meantime din habang naghihintay siya ng follow-through ng kanyang matagumpay na Ika-6 na Utos, Gabby Concepcion serves as the master bluffer sa nasabing comedy game show. And speaking of another star na merong pinakamatagal na hosting lull in a variety show ang co-bluffer ni Gabby na si Donita Nose.

Talk about the “hibernators,” tiyak namang ang pagbabalik nina Gil, Gabby at Donita kung saan sila nagmula will be with a vengeance.

Read more...