PARA sa mas mabilis na pagproseso ng aplikasyon sa pag-renew ng rehistro ng labor contractors, naglabas ang labor department ng patakaran na nagtatakda para sa pag-apruba ng aplikasyon.
Sa Labor Advisory No. 06 ang patakaran sa pag-renew ng rehistro ng contractor sa ilalim ng Department Order No. 174, series of 2017, kung saan agad aaksiyunan ang pag-renew ng aplikasyon ng labor contractor na walang inspection findings o walang nakapending na kaso.
Ang aplikasyon para sa renewal ng rehistro ng contractor na sumunod sa mga itinakdang patakaran sa ilalim ng Section 21 ng D.O. 174-17 ay aaksiyunan ng DOLE ayon sa kasalukuyang proseso.
Nakasaad din sa advisory na hindi tatanggapin ang aplikasyon para sa renewal ng rehistro ng kaso na may inspection findings o may naka-pending na kaso at naisyuhan ng pinal na Compliance Order.
Ipoproseso lamang ang aplikasyon kapag isinumite ang katibayan sa pagsunod sa compliance order o ang kautusan na idinismis na ang kaso.
Kung sakali ang contractor ay may inspection findings o may naka-pending na kaso at naisyuhan ng Compliance Order ngunit nakapagsumite ng apila sa Labor Secretary, aaksiyunan ng DOLE ang kanilang aplikasyon sa renewal ng registration ayon sa kasalukuyang proseso.
Ikakansela ng tanggapan ng DOLE ang pag-proseso ng rehistro ng contractor kung naging pinal na ipatutupad ang resolusyon ng Labor Secretary.
Pinapalitan ng D.O. 174-17, o ang patakaran na nagpapatupad sa Articles 106 hanggang 109 ng Labor Code, ayon sa pagkakaamyenda, ang D.O. 18-A na pinapayagan ang labor-only contracting at ang naging dahilan sa paglaganap ng ‘endo’ at iba pang uri ng illegal na kontraktuwalisasyon.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.