HOROSCOPE June 28, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Darating ang magandang oportunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Capricorn. Wag ka ng umarte-arte pa – sunggaban agad! Mapalad ang 2, 11, 25, 35, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Katha-Upanisad-Aum.” Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—  Dahan-dahan lang, hindi lahat ay nakukuha sa bilis. Sa pinsansiyal, maghinay-hinay sa pag-gasta. Sa pag-ibig, wag kulitin ang kasuyo, hayaan mo siyang kusang bumigay. Mapalad ang 3, 12, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Purple at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Kung lagi kang nagbibigay darating ang araw ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng maraming biyaya. Sa pag-ibig, baluntaryong ibigay sa kasuyo ang matagal na nya nang hinihinging romansang espesyal. Mapalad ang 2, 16, 28, 32, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Umalis muna sa sinilangang bayan upang maka-iwas sa intriga. Sa malayong pook yayaman ka. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, mami-meet mo na ang true love. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Nava-Om.” Purple at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Hindi makukuha sa kuwento ang magandang kapalaran. Sa pananalapi, mabilis na aksyon ang kailangan wag puro dada. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansa. Mapalad ang 2, 19, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa-Scientia-Potesta-Om.”  White at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  ‘Wag pansinin ang mga intriga masirasira lang ang araw mo! Sa pinansiyal, ituloy mo lang ang pagpapayaman. Sa pag-ibig, naiingit sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila. Mapalad ang 1, 4, 12, 21, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Dosya-Om.” Violet at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  ‘Wag gumawa ng maling bagay na makakasakit sa damdamin ng iba. Sa pag-ibig hanggat makakaya iwasan ang mga immoral na relasyon. Sa pinansiyal, tandaang “costumer is always right,”  upang lalong dumami ang benta. Mapalad mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Yoga.” Yellow at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—May likas kang magnetismo, kaya sa pinansyal mas makabubuting ikaw ang mag-alok  ng iyong produkto para mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, ipatupad ang matagal ng planong mag-honeymoon sa Palawan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.”  Red at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin karin sa larangan ng materyal na bagay kung pananatiliin mo ang pagmamahal sa pamilya. Ang tapat at dalisay na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pag-ibig, makuntetong sa kasalukuyang karelasyon. Sa susunod na buwan sisiglang muli ang aspetong pang-sexual. Sa career, ipagpasalamat ang kasalukuyang hanapbuhay, wag ng mag-hangad ng mas mataas na posisyon. Mahiwaga mong mantra: “Better to want what you have than to have what you want.” Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42 at 45.  Red at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Itutok ang isipan sa pagkakamal ng maraming salapi at maligayang pamilya. Sa pag-ibig, may masarap na romansan kung itutuon ang iyong pagmamahal sa iisang kasuyo lamang.  Mapalad ang 4, 13, 27, 38, 41 at 44. Mahiwag mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Blue at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging  tumingin sa future. Darating ang araw makaka-ahon karin sa mga problema. Sa pag-ibig panatiliin  ang pag-ibig sa isang Libra upang magiging maligaya  ang inyong relasyon. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green  at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pinansiyal, maging maingat sa pagpili ng kososyo at maging maingat din sa paglalagakan ng salapi. Tandaang maraming manloloko sa panahong ito. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Purple at pink ang buenas.

Read more...