Maris Racal, Sue Ramirez magdyowa nga ba?

MARIS RACAL AT SUE RAMIREZ

KUMALAT sa social media ang tsismis na may lesbian relationship daw sina Maris Racal at Sue Ramirez. Ito’y base na rin sa kanilang mga sweet photos sa Instagram at Twitter.

May mga netizen ang naghamon na aminin na raw ng dalawang Kapamilya youngstars ang kanilang relasyon at maging proud sa kanilang tunay na pagkatao.

Narito ang diretsong sagot ni Maris sa nasabing isyu, “Ganyan naman po talaga kami ni Sue eversince naging magkaibigan kami. Nagkamalisya lang po dahil sa mga emojis na ginagamit namin. Di naman kami nagalit, In fact po natuwa po kami kasi andaming sumusuporta sa LGBT. Pero wala po kaming relasyon.”

Sinabi pa ng dalaga na pareho raw silang masaya ni Sue sa kani-kanilang personal life – at sumusumpa siya na lalaki pa rin ang type nila ni Sue.

Read more...