Kristine ang babaw ng kaligayahan, adik na adik sa ‘Pompoms’


MABABAW pala ang kaligayahan ni Kristine Hermosa.

Just recently, she posted a photo of sandamakmak na sitsirya na galing pala sa kanyang best friend na si Mickey See.

“Alam kong ilang taon mo ng pangako ang pompoms sakin….pero hindi mo sakin sinabi na gusto mo akong magtayo ng sari sari store. That’s so much my dearest friend @mickeysee,” came her caption sa photo niya ng mga sitsiryang regalo sa kanya.

Ang daming naka-relate sa post na ‘yun ni Kristine. Marami pala siyang fans na mahilig din sa sitsirya.

Meron ding nakapuna na hindi nagbabago ang kagandahan ng isa sa mga stars ng Bagani.

“Wow, ganda ni Kristine Hermosa. I can still remember noong nagwowork pa ako sa Malaysia way back 2011, natutuwa ako sa mga kawork kong Malaysian kasi after ng work namin sa gabi pag uwi sa hostel, binubuksan nila agad ang TV at sinusubaybayan nila ang Pangako Sayo. Hahahaha!

“Way back in 90’s yan talaga yung mga chicha na nakakagoodvibes lalo na ang pompoms.”

“Kinakain ko rin yan nong kabataan ko walang kupas ang kagandahan ni Kristine.”

Samantala, sa Bagani ay tinutulungan ni Malaya (Kristine) si Ganda (Liza Soberano) para makabalik sa kanyang mundo.

“Gamitin mo si Makiling para ipaalam mo kay Lakas kung nasaan ka,” say ng character ni Malaya kay Ganda.

Read more...