SASAILALIM muli sa isang operasyon si Sharon Cuneta upang tanggalin ang natitirang lipoma sa likod ng kanyang leeg.
Sa post ni Shawie sa Facebook, natuklasan ito nang nagpa-ultra sound siya after maoperahan halos two months ago.
Ibinalita rin ng Megastar ang pagbisita niya sa ospital kay Gary Valenciano, brother in law ng asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan.
“I am happy to let you know that God really pulled him through this delicate heart issue with favour and grace. I texted Kiko afterwards saying na nakakaiyak cos am not used to seeing Gary V so low-batt! But he’s just recovering folks.
“He had that dang blockage in his heart and was still performing like THAT?!” bahagi ng post ni Sharon.
Sa isang picture na inilabas ng wife ni Mr. Pure Energy na si Angeli Pangilinan sa Instagram, ibinalita niyang nakakatayo at nakakalakad na si Gary.
q q q
Mainipin namang masyado ang critics ng GMA series na The Cure. Sinisintensyahan na nilang puputulin na agad sa ere ang show nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, eh, hindi pa nga ito umaabot ng tatlong buwan, huh!
Naku, hindi na bago ang ganyang ugali ng haters ng Kapuso shows. Ganyan din naman ang banat nila nang umere ang Kambal, Karibal nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Kyline Alcantara, huh!
Pero nasupalpal silang lahat nang humataw sa ratings ang KK at pinadapa pa nito ang katapat na fantaserye na Bagani.
Magulat na lang sila kapag pati mga kalaban eh, dapuan ng epidemyang hatid ng The Cure sa mga susunod na episodes.