Dapat lang maging ‘bagani’ si Zaijian Jaranilla


ISA nang ganap na bagani si Liksi (Zaijian Jaranilla) matapos niyang makuha ang lakas at kapangyarihan ng “kalasag ng Kataw” noong Lunes ng gabi sa hit fantaserye ng ABS-CBN na Bagani.

Sa tulong ni Lakas (Enrique Gil) at gamit ang kanyang pamilya bilang inspirasyon, lumabas na ang tunay na kakayahan ni Liksi bilang pinakabagong bagani.

Matatandaan na si Mayari ang unang napili at napagkalooban ng “kalasag ng Kataw” ngunit sa kasamaang palad ay nabawian ito ng buhay nang mataaman ng kidlat ni Sarimaw.

Tunay ngang karapat-dapat maging isang bagani si Liksi dahil sa taglay niyang busilak na puso at tatag na magsakripisyo para sa kanyang pamilya at sa buong Sansinukob. Napatunayan na niya ito ng ilang beses niyang tinangka na labanan si Sarimaw at noong nakipaglaban siya kasama ni Kidlat (Rayver Cruz) nang wala pang kaalaman sa pakikipaglaban.

Ngayong may nagmamay-ari na muli sa “kalasag ng Kataw,” mapagtagumpayan na kaya nilang makuha muli ang Sansinukob kay Sarimaw? Huwag palampasin ang Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Read more...