Tarlac LTO chief arestado sa droga

ARESTADO sa droga ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa Tarlac matapos mahulihan ng siyam na sachet ng shabu, granada, mga bala sa isinagawang raid sa kanyang bahay sa Tarlac City.

Matagal nang isinailalim sa surveillance si Rodel Yambao, 59, officer-in-charge ng LTO sa Tarlac matapos na mapabilang sa high-value target.

“The search and seizure conducted by the police and the Philippine Drug Enforcement Agency at Yambao’s house in Barangay San Roque were accomplished legally and orderly,” ayon sa pulisya.

Isinagawa ang raid sa harap ng misis ng suspek, dalawang kagawad ng barangay at mga kinatawan ng media at Department of Justice.

Kasalikuyang nakakulong si Yambao sa Tarlac police jail.

Read more...