BEA, GERALD HIWALAY NA: STATUS COMPLICATED

HIWALAY na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Kinumpirma ng Kapamilya actress na hindi na sila “couple” ng aktor, “for now”. “Hindi sa ngayon,” ang maikling pahayag ni Bea.

Nang tanungin kung totoong single siya ngayon, ito ang sagot ni Bea, “Technically. But of course we’re talking, we’re okay.”

Kasama ng aktres sa nasabing panayam ang mga co-stars niya sa pelikulang “Kasal” under Star Cinema na sina Paulo Avelino at Derek Ramsay.

Tinukso pa ng dalawang aktor si Bea tungkol sa sitwasyon niya ngayon at tinawag pa itong “status complicated”. Hirit naman ni Bea, “Magulo talaga, huwag niyo intindihin! Bakit ba? Akin ‘yun, e!”

Sa nakaraang episode naman ng Magandang Buhay, nakatanggap si Bea ng handwritten letter mula kay Gerald. Dito tinawag pa niyang “teenage crush” ang aktres.

Sey naman ni Bea, “In fairness mapadala siya ng bulaklak at ma-note. Thank you, thank sa letter and thank you for always being there.”

Kanina sa grand presscon ng “Kasal” hindi na nagpa-interview si Bea pagkatapos ng Q&A. Wala ring naglakas-loob na magtanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald.

Kung matatandaan, napabalitang nagkaroon ng matinding away sina Gerald at Bea nang dahil kay Pia Wurtzbach. Ito’y matapos ipalabas ang pelikula nina Gerald at Pia na “My Perfect You”.

Paliwanag ni Gerald, “simple misunderstanding” lang ang nangyari, “Naayos po namin personally, and yun po yung importante, to move on from this,” pahayag ng aktor.

Read more...