DEAR Atty.:
Magandang araw po. Ako po pala si Christoper, 14 na po ako at 3rd year high school na po ako ngayon at taga Iligan City, Mindanao.
Tanong ko lang po ma’am, may nasuntok po akong bata. Ang edad po nung bata ay 9 na po. Nasuntok ko po siya sa ulo dahil sa labis na galit at dahil na rin sa mga paratang niya na hindi ko naman po nagawa.
At kapit-bahay ko po siya. At sinampahan po ako nang kaso ng kanyang mga magulang sa police. Tama po ba yun? kasalanannaman po kasi nung bata dahil sa mga paratang niya. At marami na rin kasalanan ang batang yun dahil matigas ang ulo at walang galang sa matatanda.
Ano ho ba ang dapat kong gawin? Bigyan nyo po ako ng payo. Salamat po.- Christoper, 14, …1927
Dear Christopher:
Kung ikaw ay 14 years old pa lamang, may batas ngayon na walang criminal liability ang mga 15 years old and below. Ngunit, pwede kayong masingil ng danyos o civil damages.
Inaamin mo naman na nakasakit ka ng kapwa at ito ay mali sa mata ng batas. Pwede namang hindi na lumaki ang kasong iyan kung susubukan mong humingi ng paumanhin sa nasaktan mo at sa kanyang mga magulang.
Tandaan lamang, bawal ang manakit kahit ano pa ang edad.
Sana ay nakatulong ako sa iyo, Christopher. — Atty.
Dear Atty.:
Meron pong lupa ang lola ko, 50 square meters na lang natira, gusto niya sa akin ibigay. Meron din pong umuupa na establishment doon. Ano po ang dapat kong gawin para mabigay sa akin ang lupa ng legal? Thanks po. – Aileen, 24, Davao, …6863
Dear Aileen:
Magpagawa kayo ng “Deed of Donation” at ito ay kailangang lagdaan ng inyong lola bilang “donor”, at kayo bilang “donee”.
Ito ay ipa-notaryo, at ihatid ang “Deed of Donation” sa Registry of Deeds kung saan located ang 50 square meters na lupa ng lola ninyo. Kahit merong umuupa na establishment doon, hindi ito balakid upang ibigay sa inyo ng inyong lola ang kanyang natitirang lupa. – Atty.
Dear Atty.:
Good pm, mam. Itanong ko po sana tungkol sa lupa namin kung pwede namin itong makuha yung mamanahin sa magulang namin, ang kaso niloko ng kapatid niya at pinapirma sila sa blangkong papel at sabi ng kapatid nya ibinenta daw at pag hahatian nilang magkakapatid. Sinolo lang ng kapatid niya yung kabayaran sa lupa. Makukuha pa kaya naming mga anak ng pumirma sa blangkong papel ang lupa? Hintayen ko po ang kasagutan. — …4105
Dear …4105
Ang pag-pirma sa “blankong papel” ay isang “void” na kontrata. Ito ay walang bisa. Magsampa ng Petition for Nullification of Deed of Sale sa Regional Trial Court kung saan ang located ang lupa na inyong ikinukwento. Ikwento po na pumirma ang inyong ama ng ‘blanko’, at isumite po ang mga ebidensya na nagpapatunay nito. Mapapawalang bisa ang bentahan at maibabalik sa inyo ang lupa. – Atty.